Tula ni Lè

Tula ni Lè Those: Tulala turns into Tula

08/03/2026

made this valentine’s day.

28/03/2025

"Does knowing me more, lead to loving me less"...

-Lè

Sabi ko, "one at a time," pero nagulat ako sa sarili ko—nagawa ko nang sabay-sabay. Takot akong sumubok noon kasi iniisi...
24/11/2024

Sabi ko, "one at a time," pero nagulat ako sa sarili ko—nagawa ko nang sabay-sabay. Takot akong sumubok noon kasi iniisip ko, "Paano kung mag-fail?" Pero hindi pala gano'n. Kapag sumubok ka sa mga bagay na gusto mong gawin sa buhay, automatic na 50/50 na 'yun—p'wede kang mag-succeed, p'wede ka ring mag-fail. Pero ano ngayon? Ang importante, sinubukan mo.

Hindi naman palaging magaling ka na sa unang subok pa lang. Tandaan mo, malayo na ang narating mo, at marami ka na ring natutunan. Pero huwag mong limitahan ang sarili mo sa mga bagay na maaari mo pang matutunan.

Kaya subok lang nang subok, ha? Huwag kang matakot mag-fail dahil sa totoo lang, ang unang pagsubok mo pa lang ay maituturing nang tagumpay sa buhay.

-Lè

"Hindi naman ako nagbago, minahal ko lang sarili ko" Patunay na may natutunan ka,Sa mga bagay na natapos na,Kapag mas pi...
03/10/2024

"Hindi naman ako nagbago, minahal ko lang sarili ko"

Patunay na may natutunan ka,
Sa mga bagay na natapos na,
Kapag mas pinili mo'ng maging payapa,
Kaysa makipag sagutan pa.

Kailan man hindi naging mali,
Ang pag pili sa sarili.
Lalo na't ika'y nanggaling,
Sa sitwasyong puno ng hinaing.

Hindi ba't dasal mo'y;
Gusto mo nang makawala,
Sa sakit na para bang nakatanikala,
Susuko na lang ba o mag papatuloy pa?

'Wag mong iisipin ang sasabihin ng iba,
Mahalin mo ang sarili mo nang kusa,
Walang sinuman ang makapag didikta,
Sa pag pili sa sarili at ng ikasasaya.

Basta't tandaan mo... "Hindi naman ako nagbago, minahal ko lang sarili ko".

-Lè

𝑺𝑨 𝑾𝑨𝑲𝑨𝑺, 𝑵𝑨𝑲𝑨𝑼𝑺𝑨𝑫 𝑵𝑨 '𝑲𝑶..Hindi naman natin kailangan pilitin ang mga sarili natin para umusad. May mga panahon talaga ...
27/09/2024

𝑺𝑨 𝑾𝑨𝑲𝑨𝑺, 𝑵𝑨𝑲𝑨𝑼𝑺𝑨𝑫 𝑵𝑨 '𝑲𝑶..

Hindi naman natin kailangan pilitin ang mga sarili natin para umusad. May mga panahon talaga sa buhay natin na kailangan muna nating namnamin ang sakit, o kung paano tayo tinuturuan ng leksyon ng isang bagay na gustong-gusto na nating makawala.

Nakakapagod man, at minsan akala natin hanggang do'n na lang tayo, pero hindi natin namamalayan na unti-unti na pala tayong umuusad. Sadyang hindi pa talaga oras para tayo'y maka-usad. Traffic man minsan, pero kailangan mong hintayin ang "go" signal bago ka makausad. Hindi mo kailangan i-beat ang red light para lang masabi mong nakausad ka na. Minsan 'yun ang dahilan kung bakit mas nasasaktan ka.

Kalma ka lang, makakaalis ka rin. Makakarating ka rin sa patutunguhang gusto mong marating, at do'n mo masasabing, 𝑺𝑨 𝑾𝑨𝑲𝑨𝑺, 𝑵𝑨𝑲𝑨𝑼𝑺𝑨𝑫 𝑵𝑨 '𝑲𝑶.

-𝙇è

Sa totoo lang, hindi naman ako takot magmahal, natatakot lang ako sa kung paano  ako mahalin.Aminin man natin,May iba't ...
28/08/2024

Sa totoo lang, hindi naman ako takot magmahal, natatakot lang ako sa kung paano ako mahalin.

Aminin man natin,
May iba't ibang uri ng pagmamahal
Na gusto nating maranasan.
Pagmamahal na kahit hindi mo hingin,
Binibigay nang kusa;
Pagmamahal na nagagawa
Kahit sa simpleng bagay.
Mga gusto mo't ayaw,
Kabisado na niya.

"'Ayaw niyan sa maraming tao."
"Gusto niya sa kape; caramel macchiato.'"

Hindi ba't ang sarap magmahal?
Kahit "i-all in" mo pa 'yan na parang sugal.
Todo pati pato,
Kapag nagmahal nang totoo.

Ngunit paano kung sa maling tao
Hinihingi ang mga bagay na gusto?

-Lè

Hindi man sila ang responsable sa emosyon na nararamdaman ko,  unti-unti naman nila akong nabubuo.  Sa pakikinig nila, n...
13/08/2024

Hindi man sila ang responsable sa emosyon na nararamdaman ko,
unti-unti naman nila akong nabubuo.
Sa pakikinig nila, nagagamot ako,
iniintindi bawat sitwasyon na mayro'n ako.

Kaibigan na daig pa ang ka-ibigan,
iba sila kung magmahal.
Meron man o wala,
nananatili silang nandiyan.

Wala man akong kasintahan na ipagmamalaki,
may kaibigan naman akong kakampi,
na sa bawat pag-hikbi,
nariyan lagi sa tabi.

-Lè

" 'di ka na iba sa iba" akala ko 'di na matatapos,akala ko mananatili na lang sa gan'to,'di na hina-hanap ang mga haplos...
13/08/2024

" 'di ka na iba sa iba"

akala ko 'di na matatapos,
akala ko mananatili na lang sa gan'to,
'di na hina-hanap ang mga haplos,
'di na hina-hanap sa maraming tao.

o kay tagal kitang minahal,
na para bang wala ng katapusan,
pero 'di pala gano'n ang pagmamahal,
kailangan na lang talaga nating pakawalan.

'di ka na iba sa iba,
nakakamtam na ang totoong ligaya,
na ang minsang kinabisado,
unti-unti ng burado.

-Lè

bigkas ko dati sa isang tula ko,"minamahal mo na 'ko,sa kung pa'no ko gustong mahalin ako,kabisado mo na rin akokahit mi...
13/08/2024

bigkas ko dati sa isang tula ko,
"minamahal mo na 'ko,
sa kung pa'no ko gustong mahalin ako,
kabisado mo na rin ako
kahit minsan magulo.
kampante na rin ako,
dahil alam nating sigurado na 'to."

mali pala tayo,
minahal mo naman ako,
pero 'di ka pa rin sigurado,
na ipaglaban ako.

kasiguraduhan,
katiyakan lang ang aking gusto,
ngunit sambit mo sa'kin,
"naiintindihan mo naman ako"

oo, naiintindihan kita,
pero gusto ko rin marinig sa'yo na...
"mahal kita, ipaglalaban kita"
ngunit hindi pa nag simula ang laban,
sumuko na tayong dalawa...

-Lè

Address

Angeles City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tula ni Lè posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category