RCC - Samahang Sinagtala

RCC - Samahang Sinagtala Isang samahan na binubuo ng kaguruan ng asignaturang Filipino at mga mag-aaral na may layuning itagu

Maligayang Kaarawan, Gng. Ralyn B. Rodriguez! 🎂 🎉Isang mapagpalang araw para sa isa sa aming minamahal na tagapayo ng Sa...
20/08/2026

Maligayang Kaarawan, Gng. Ralyn B. Rodriguez! 🎂 🎉

Isang mapagpalang araw para sa isa sa aming minamahal na tagapayo ng Samahang Sinagtala. 🌟

Maraming salamat sa iyong patuloy na paggabay sa bawat miyembro ng Samahang Sinagtala.

Nawa’y maging puno ng saya, pagpapala, at magagandang pagkakataon ang iyong bagong taon ng buhay. 🎈✨

Muli, maligayang kaarawan, Gng. Rodriguez! Nawa’y maging kasingganda ng iyong pusong mapagmalasakit ang araw na ito. 💝

Maligayang Kaarawan, Ginoong Kenneth Santos! 🎂🎈Nawa’y patuloy kang pagpalain ng masaganang kalusugan, kaligayahan, at ta...
02/08/2026

Maligayang Kaarawan, Ginoong Kenneth Santos! 🎂🎈

Nawa’y patuloy kang pagpalain ng masaganang kalusugan, kaligayahan, at tagumpay sa lahat ng iyong mga layunin at adhikain sa buhay. 😌Nawa’y ang bawat araw ay magdala sayo ng bagong pag-asa, lakas, at inspirasyon upang lalo pang magningning. 🌟😊

Ang iyong pamumuno at dedikasyon sa pagtuturo ay tunay na hindi matatawaran, patuloy mong pinagyayaman ang kaalaman, talento, at pagmamahal sa wika at kultura ng bawat mag-aaral at kasamahan. 🫡🎨

Ikaw ay nagsisilbing ilaw✨ at gabay na nagbibigay inspirasyon upang maging mas mabuhay, mas mapanuri, at mas makabago ang bawat isa.

Muli, isang makabuluhan at masayang kaarawan sayo, Ginoong Kenneth Santos!💝 🥳

Lubos na nakikiisa ang Republic Central Colleges, sa pangunguna ng Samahang Sinagtala, sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang...
01/08/2026

Lubos na nakikiisa ang Republic Central Colleges, sa pangunguna ng Samahang Sinagtala, sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang:

“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Sa panahong patuloy na umuunlad ang teknolohiya, lalo nating pinahahalagahan ang Wikang Filipino bilang mahalagang kasangkapan sa pagkatuto, pananaliksik, at mabisang pakikipag-ugnayan. Naniniwala ang ating paaralan na maaaring magsanib ang wika at makabagong teknolohiya upang higit na mapalawak ang kaalaman at mapagyaman ang pag-unawa ng bawat mag-aaral.

Bilang pakikiisa sa makabuluhang pagdiriwang na ito, naghanda ang Samahang Sinagtala ng iba’t ibang aktibidad na naglalayong itaguyod, pagyamanin, at palalimin ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino sa hanay ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan. Inaasahan naming magiging daan ang mga gawaing ito upang higit pang maipadama ang kahalagahan ng ating pambansang wika sa makabagong panahon.

Inaanyayahan namin ang buong pamayanang RCC na makiisa, makilahok, at maging kabahagi ng pagdiriwang na nagpaparangal sa ating wika at kultura.

Mag-abang sa mga susunod na ipapaskil sa opisyal na online page ng Samahang Sinagtala para sa mga anunsyo, aktibidad, at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026.

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino!✨

Kilalanin ang mga Gabay ng Samahang Sinagtala! 📚✨Sa likod ng bawat matagumpay na samahan ay ang mga g**ong handang gumab...
29/07/2026

Kilalanin ang mga Gabay ng Samahang Sinagtala! 📚✨

Sa likod ng bawat matagumpay na samahan ay ang mga g**ong handang gumabay, magturo, at magbigay-inspirasyon sa bawat kasapi. 🧑‍🏫👩‍🏫 🌟

Ikinagagalak naming ipakilala ang mga tagapayo ng Samahang Sinagtala na magsisilbing ilaw at gabay sa ating paglalakbay sa pagpapayabong ng wikang Filipino, panitikan, at kulturang Pilipino. Sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo, tiyak na magiging makabuluhan at masigla ang bawat gawain at karanasang ating pagsasaluhan.

Sama-sama nating tuklasin, ipagdiwang, at ipagmalaki ang sinag ng ating sariling wika.🌞

"Sa iisang layunin, pagkakaisa ang sandigan; sa bawat pagkilos, paglilingkod ang paninindigan." ✨Ipinagmamalaki ng RCC–S...
29/07/2026

"Sa iisang layunin, pagkakaisa ang sandigan; sa bawat pagkilos, paglilingkod ang paninindigan." ✨

Ipinagmamalaki ng RCC–Samahang Sinagtala ang mga Opisyales na magsisilbing katuwang at huwaran sa pagtataguyod ng mga adhikain ng samahan para sa Taong Panuruan 2026-2027.

Bilang mga lingkod-estudyante, sama-sama naming isusulong ang mga programang magpapaunlad sa wikang Filipino, panitikan, at kulturang Pilipino. Sa diwa ng pagkakaisa, pamumuno, at malasakit, hangad naming makalikha ng mga makabuluhang gawain na magbibigay-inspirasyon, magpapalawak ng kaalaman, at magpapatibay sa pagmamahal sa ating sariling wika, kultura, at bayan.

✨ Sama-sama sa paglilingkod.
✨Sama-sama sa pag-unlad.
❤️ Para sa wikang Filipino at sa sambayanang Pilipino.

Ating saksihan ang pagkislap ng araw at ng mga tala. Sama-sama nating ipagdiwang, pahalagahan, at itaguyod ang ating sariling wika at minamahal na bayan. Gawin nating mas makahulugan ang taong ito—samahan niyo kami!💛🌟

24/01/2026
🎂Maligayang Kaarawan kay Bb. Rhea Pillera🎂Isang taus-pusong pagbati sa isang huwarang g**o at tagapayo na patuloy na gum...
26/10/2025

🎂Maligayang Kaarawan kay Bb. Rhea Pillera🎂

Isang taus-pusong pagbati sa isang huwarang g**o at tagapayo na patuloy na gumagabay, nagbibigay-inspirasyon, at nagsisilbing ilaw sa landas ng bawat mag-aaral. Salamat sa iyong walang sawang paglilingkod at malasakit!💐📚

🎉🎂 Maligayang Kaarawan kay Gng. Ferlee B. Dancel! 🎂🎉Isang espesyal na araw para sa isang masigasig at dedikadong tagapay...
09/09/2025

🎉🎂 Maligayang Kaarawan kay Gng. Ferlee B. Dancel! 🎂🎉

Isang espesyal na araw para sa isang masigasig at dedikadong tagapayo ng Samahang Sinagtala! 🫶🏼 Wala kaming sawa sa pagpapasalamat sa iyong walang humpay na pag-aalaga, gabay, at inspirasyon sa amin. Ang iyong mga kontribusyon ay patuloy na nagbibigay liwanag at lakas sa aming samahan. ✨

Nawa'y magpatuloy ang iyong tagumpay, kaligayahan, at pagpapala sa bawat taon. Hiling namin ang isang taon na puno ng kasiyahan, kalusugan, at pag-unlad! 🌸

Maraming salamat at maligayang kaarawan po! 🎉🎁

Address

Angeles City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RCC - Samahang Sinagtala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share