25/09/2025
"Isip ng Torpe"
~AkOcRoI~
Delikado na to
Ikaw na lagi laman ng isip ko
Bawat gabi na dumaan
Hindi makatulog sa higaan
Kakaisip ng mga posibilidad
Kakaisip ng mga prayoridad
Kaka isip ng pwedeng mangyari
Kakaisip ng dapat gawin para may mangyari
Ngunit ang mga ito ay nasa isipan
Hindi maintindihan
Ako'y nahihirapan
Kung dapat itong isakatuparan
Natotorpe nanaman ako
Hindi alam kung bakit ganito
Paulit ulit na sinabi sa sarili
Gusto lang kita makilala ng mabuti