21/08/2025
sa bawat titig mo’y may lihim na saysay,
tila ang puso ko’y muling nabibighani,
hindi ko man masabi nang tuwiran at lantad,
sa tahimik kong paraan, ikaw ang aking hari.
sa likod ng mga biro at simpleng ngiti,
naroon ang pag-asang di mo pa nahuhuli,
kahit di ko ipagsigawan ang aking damdamin,
sa mga kilos ko’y dama mong ikaw ang sinta ko’t giliw.
naniniwala ako sa tibay ng iyong pangarap,
at ako’y naririto, palihim na iyong lakas,
hindi kailangan ng mga salitang garbo o hiyaw,
sapat nang malaman mong sa’yo ako’y tapat.