TongTv Here where you can find motivation, inspiration and my life journey in this challenging world 🌍.

24/06/2026

🌳 Flame Tree Season in Dubai

From May to July, Dubai’s Flame Trees burst into vibrant red-orange blooms, painting streets and parks with stunning colors. Originally from Madagascar, these iconic trees thrive in Dubai’s climate, providing beauty and shade during the hottest months of the year. Their fiery blossoms have become a beloved sign that summer has arrived in the city. 🌺☀️

nananatili lamang dahil....
24/06/2026

nananatili lamang dahil....

Mahirap na itong burahin....
24/06/2026

Mahirap na itong burahin....

24/06/2026

Kung sakaling kukunin na ng Dios ang buhay mo ngayon, may naiisip ka bang dahilan para ka Niya iligtas? Naging mabuting anak ka ba sa mga magulang mo o lapastangan ka? Naging mabuting asawa ka ba sa asawa mo o dinadaya mo siya kapag hindi mo siya kasama? Naging mabuting magulang ka ba sa mga anak mo o pabayang ama o ina ka sa kanila? Naging mabuting kaibigan ka ba o mabait ka lang kapag kaharap sila, magiliw sa kanila kapag may napapakinabang ka? Naging mabuting estudyante ka ba, matalino sa klase pero salbahe sa mga kaeskwela? Naranasan mo bang magbigay ng pagkain sa mga nagugutom, nagpainom sa mga nauuhaw? Dumalaw ka ba sa may sakit at nakakulong sa bilangguan? Naawa ka ba sa mga matatanda na wala ng lumilingap, may ginawa ka bang mabuti sa kanila kung naawa ka? May nagawa ka bang mabuti sa edad mong yan kung sakaling bawiin ng Dios ang buhay mo ngayon? O sa maghapon, sa araw-araw ng buhay mo, ang alam mo lang ay ang kumain at uminom? Nagtapos ng pag-aaral, nagtrabaho, pag-uwi ng bahay manonood ng tv o uupo sa harap ng computer o di kaya naman ay haharapin ang cellphone at mag-iinternet hanggang sa makatulog? Ginugol mo ba ng may kabuluhan ang buhay na ipinahiram ng Dios sa 'yo? Tanungin mo ang sarili mo, kung dapat ka ba Niyang iligtas...
BIGYAN NATIN NG DAHILAN ANG DIOS PARA ILIGTAS NIYA TAYO.
- Bro. Eli Soriano

saan ka pa...
19/06/2026

saan ka pa...

19/06/2026

Imbes na huminto ka, magbakasakali ka. Dahil kapag umurong ka, saan ka pa kukuha ng pag-asa? - Kuya

Minsan, hindi kailangan ng kasiguraduhan para magpatuloy. Kailangan lang ng lakas ng loob na sumubok muli. Habang may pagkakataon, may pag-asa. Habang may pag-asa, may dahilan para bumangon at magpatuloy.

Huwag mong hayaang matalo ka ng panghihina ng loob. Ang mga sumusubok muli ang kadalasang nakakakita ng bagong simula.

19/06/2026

Minsan, sa sobrang kakaisip mong mali ang kapuwa mo, hindi mo namamalayan na ikaw na pala ang nagkakamali dahil nawawalan ka na ng pag-ibig.

Ipagpalagay nang nagkamali siya, hindi naman ibig sabihin na masama na siyang tao. Sabi nga sa Biblia:

“Walang taong matuwid sa lupa na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.” (Eclesiastes 7:20)

Ang Dios nga ay nagpapatawad at nililimot ang mga kasalanang pinagsisihan, ngunit tayong mga tao, kung minsan, isang pagkukulang lang ang makita, nakakalimutan na natin ang sandaang mabubuting nagawa ng isang tao.

Kaya bago humatol, alalahanin nating lahat ay nagkakamali at nangangailangan ng awa at pag-unawa.

- unknown

19/06/2026

Kung nakagawa ka ng kasalanan, huwag mong ituloy-tuloy.

May nagawa ka mang pagkakamali noong nakaraan, huwag mong hatulan ang iyong sarili. Pagsisihan mo ang mga nagawang kasalanan (1 Juan 1:8–9). Dumalo kang muli sa mga pagkakatipon (Hebreo 10:25) at kausapin ang KNP o manggagawa sa lokal.

Ang pagpapatawad ng Dios ay napakalaki, lalo na sa mga may takot sa Kanya. Kung ang nagawa mong kasalanan ay hindi mo sinasadya—bunga ng kahinaan ng laman, natukso, o nakalimot—magbalik-loob ka, kapatid. May awa ang Dios. Kung nadapa ka man, makakabangon kang muli.

“Sapagkat ang matuwid ay nabubuwal na makapito at bumabangon uli, ngunit ang masama ay nabubuwal sa kasakunaan.”
(Kawikaan 24:16)

Makakabangon kang muli. Pagpilitan mo; may makapagpapabangon sa iyo. Ipakita mo lamang na mayroon kang pagnanais. Mayroong maaaring magbangon sa iyo.

“Sino kang humahatol sa alila ng iba? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya, sapagkat makapangyarihan ang Panginoon na siya’y maitayo.”
(Roma 14:4)

Magtiwala ka sa Dios na makakabangon kang muli, kung ipakikita mo ang iyong pagnanais na makapagpatuloy sa paglilingkod. Mararamdaman mo naman kung itinakwil ka na o hindi pa. Kung may nararamdaman ka sa puso mong nais mong makapaglingkod, may Espiritu Santo na nag-uudyok sa iyo. Huwag mo itong balewalain.

Dati ka namang sumusunod. Huwag mong iwan ang iyong unang pag-ibig.

Hindi sapat ang kikitain mo, ang kayamanan, o kahit makamtan mo ang buong sanlibutan kung mapapahamak naman ang iyong kaluluwa (Marcos 8:36). Sandali lamang ang buhay sa mundo. Alin ang pipiliin mo: kaunting ginhawa ngayon, tapos ay parusang walang hanggan, o hirap ngayon ngunit ginhawa naman sa darating?

• Ang kaluluwa natin ay iisa lamang.
• Ang pag-asa at buhay ay huwag nating sayangin.

May magpapahina ng loob mo; huwag mo silang intindihin. Lakasan mo ang iyong loob. Manalangin ka sa Dios at magsisi sa mga nagawang kasalanan. Malaki ang Kanyang pagpapatawad.

- Ingkong 🤍

17/06/2026

Fujairah’s music street enters Guinness World Records as the world’s longest musical street, boosting the emirate’s cultural and artistic profile. Ctto.

📝
17/06/2026

📝

Address

Bur Dubai
Dubai

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TongTv posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to TongTv:

Share

Category