Axel Pinpin

Axel Pinpin Punk. Poet. Protest.

Never Never Never Forget!
21/09/2026

Never Never Never Forget!

Kaya ako sa nasa Luneta noong Linggo, hindi para mamasyal, gago. Kaya ako nasa Mendiola, oo! Para gumiba! Wasakin ang ha...
20/09/2026

Kaya ako sa nasa Luneta noong Linggo, hindi para mamasyal, gago. Kaya ako nasa Mendiola, oo! Para gumiba! Wasakin ang harang sa pagitan ng Hari at pinaghaharian. Para sa araw ng Lunes, mayroon nang lipunang ligtas sa kurakot at pananakot, malaya, malayo sa batas ng katiwaliang winakasan ng anarkiyang naging makatarungang digma!

Remembering Baha sa Luneta
(Forget the Rules, Sept.2025)

Batch '88Mga naiisip kapag tinitingnan ang class picture na ito:1. Ilang love team, love triangle, heart break, bastedan...
15/09/2026

Batch '88

Mga naiisip kapag tinitingnan ang class picture na ito:

1. Ilang love team, love triangle, heart break, bastedan, paasahan, infatuation (sabi sa sla[u]m book) crush at crashes ang nabuo?
2. Mga pagkakaibigan. Mga away-bata.
3. Pangarap. Pag-asa.

Not on a serious note:
1. Basketbol sa tanghaling tapat. Sipa/ Atsuy. Soccer sa field.
2. Atari. Inarkilang bold (p**n) Betamax ng 14 boys. Piso each para sa ten peso rent ng tape.
3. Spirit of the glass
4. MTV. Plaka. Baseball gloves.
5. Acquaintance Party at JS Prom
6. The Cultivator - Bato-Bato sa Langit ni Sildy
7. FFP-FAHP - Parliamentary Procedure contest
8. Maganda at hot na titser - na iginalang namin nang wagas
9. Farewell ni Raymond Lauchengco

Personal Note:
1. Khumbella shirt sa Harrison Plaza at studs mula sa Tandem Recto
2. Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes sa Popular Bookstore sa D. Jose
3. First GF na hindi pala niya alam
4. Tons of "Dont know what I want, but I know how to get it. I wanna destroy...!"
5. Directorial debut ng Cinderella starring Jing Jabinal
6. Anak ng OCW. Ray-ban. Toblerone. P25 = US$1
7. Forever promdi dahil lahat sila ay nangarap na lumuwas
8. Kayang sumulat ng isang buong libro tungkol sa HS life
9. Reunion

Photo taken 1988 (pero pwede ring 1987) ng Grecor Photo Studio (ba?)

From Top Left (Len Dimapilis, Ene Marasigan, Momon Dimaranan, Nonot Mojica, Joel Austria, Gary Romerosa, Gerry Mojica)

Second Row (Marce Llamado +, Omar Gervo, Axel Pinpin, Ido Creencia, Zandro Guevara, Onad Herrera, Meng Marges)

Front Row (Jocelyn Diokno, Judith Isuga, Nilda Arandia, Nenet Baltazar, Miss Analyn Almario, Grace Dones, Liza Romerosa, Jing Jabinal, Avel Jimenez)

Absent (Arlene Rodriguez, Sol Jimenez)


BitayanMakahulugan o nangungutya, kundiman isang sumpa ang umaga ng Biyernes-trese sa buwan ng Setyembre— isang siglo na...
13/09/2026

Bitayan

Makahulugan o nangungutya, kundiman isang sumpa
ang umaga ng Biyernes-trese sa buwan ng Setyembre—
isang siglo nang ibinaon sa limot.

Nakakapangilabot pagmasdan ang bitayan.
Mula sa labas ng piitan ay may babaeng umiiyak,
nakalutang siya sa gitna ng kaguluhan ng madlang sasaksi.
Katabi ang isang asong yayat na lugon ang balahibo.
May simpatya ang pagkaykay nito
sa mahabang saya ng dilag.

Nakanganga at tumutulo ang laway ng bitayan
sa leeg ng huling mandirigma ng Katipunang
binansagang bandido, bandolero, ladron at tulisan.
Ngunit kung babaybayin ang kanyang ngalan,
ito’y mga letra ng pagtutol, hindi pagsuko;
pag-aaklas.

Dumuruyan ang lubid ng bitayan sa tuyong hangin.
Taksil ito sa duyan at simoy ng kabundukang
nagluwal sa mga katipunerong gerilyang gahis,
na umukit sa banta ng manipestong
kataksilan ang pagtalikod sa lupang tinubuan
at pagkalinga sa isang gobyernong likha ng dayuhan.

Nakakapangilabot masdan ang bitayan,
nakanganga at naglalaway, dumuruyan ang lubid;
nakaabang sa mas maraming leeg
ng ilang henerasyong nagtaksil at nagtakwil
sa luwalhati at kadakilaang inihatid
ng bitayang naging batayan
ng hindi pagsuko ng huling mandirigma ng Katipunan.

Setyembre 13, 2007
Camp Vicente Lim


*K

Going worldwideworld of the Universe.
09/09/2026

Going worldwideworld of the Universe.

I am the poet, beginning and ending in poetry.

04/09/2026

Ngayong September, ibabahagi namin ang mga akda ni Axel mula sa POV ng sumubaybay, kapwa nya manunulat, at iba pang alagad ng sining.

Kung may alam kayong pagtatanghal, interpretation o anumang naging gamit ng akda ni AP, ishare sa aming page. O ilagay sa comment section.

Mary Grace Piattos, saan ito kabilang?1. Nom de guerre - ngalan sa pakikibaka.2. Nom de plume - ngalan sa panulat.3. Pse...
28/08/2026

Mary Grace Piattos, saan ito kabilang?

1. Nom de guerre - ngalan sa pakikibaka.
2. Nom de plume - ngalan sa panulat.
3. Pseudonym - katulad ng nom de plume. Pen name. Sagisag sa panulat.
4. Code name - sekretong ngalan para sa isang gawain o operasyon.
5. Alias - taguri, para iugnay sa tampok na katangian o pagkakakilanlan ng isang tao.
6. Nickname - palayaw.
7. Fictitious name - kathang-isip na pangalan. Fake, peke, huwad.

Saan ito kabilang? Sinadyang gamitin ang 'ito', sa halip na 'siya'. Dahil malinaw na palaisipan kung tao o bagay, apelyido o tsitsirya, damong Mariya o biyayang grasya. Nabulaga ang lahat. Panis ang Pinoy Henyo ng Dabarkads.

Code name? Para sa pagbili ng gamot sa botika? Confidential operation ang pagbili ng silya at mesa?

Ipinipilit na ito ay alias (alyas). Sa paliwanag sa taas, kapag tinanggap ito - mangangahulugang nakabalot sa foil pack si Mary Grace. O kaya'y lasang sibuyas na maasim-asim.

Huwag na dapat itong pakumplikahin - napakakapal ng guhit sa pagitan ng paglilihim at pagsisinungaling.







ChangshaMalayang salin ng tula ni Chairman Mao Tse-tungSa himig ng Chin Yuan Chun (1925)Nag-iisa akong nakatayo sa ginaw...
26/08/2026

Changsha
Malayang salin ng tula ni Chairman Mao Tse-tung
Sa himig ng Chin Yuan Chun (1925)

Nag-iisa akong nakatayo sa ginaw bago ang tag-ulan
sa tuktok ng islang kung tawagin ay Kahel,
Saan ka nakakita ng ilog na pailaya;
Tan-aw ko ang libong burol na pinapula
ng kanyang kakahuyan na parang dyinobus,
at daang barko na nagpapaligsahan
sa dalisay na asul na karagatan.
Hinihiwa ng agila ang hangin,
kinakalabusaw ng isda ang babaw ng tubig;
sangkaterba ang nilalang na nagpupursigi sa laya sa ilalim ng langit na nilalamig.
Nagmumukmok sa ganitong kagimbalan
napaisip ako, sa lupaing walang hangganan
sino ba ang nagtatakda ng pababa at pataas?
Galing na ako rito kasama ang maraming barkada,
tumalinaw pa rin sa akin ang mga mahahalagang taon.
Nasa kasibulan kami, magkakaiskwela,
sa buhay na apaw sa pag-asa.
Puno ng kasiwalan
isinantabi namin, pangahas, ang mga pagtitimpi.
Nakaduro sa aming mga bundok at sa aming mga ilog,
pinag-alab ng aming mga talumpati ang damdamin ng tao,
tinatarahan ang mapang-api na sila’y burak lamang.
Tandang-tanda ko pa
kung paano, tumindig kami sa gitna, hinawi ang tubig
at nabalaho sa aming daluyong ang nag-uunahang barko?

July 8, 2012

* Napaka-ironic. Pinapaksa ng dakilang komunista noong kanyang kabataan kung paano nila tinatanaw ang mga bapor, at pinigilan ang mga ito. Isandaang taon ang nakalipas, daan-daang barko ng China ang nasa karagatan ng bansa. Hindi natuto, at totoong taksil ang rebisyunistang rehimen ng China sa pamana ng dakilang Mao Tse-tung.








21/08/2026

Fifteen years old na ang isa sa mga unang performance ng TAPPM. Ganoon pa rin, tatlong rehimen na ang nagdaan, sinisikil pa rin ang likhang sining na kritikal sa gobyerno ng naghaharing uri.

Ang sining ko ay hindi humihingi ng paumanhin
Naninindigan ito sa layunin
Bitbit nito ang pagsasaalang-alang sa damdamin
At kristisismo ng ordinaryong tao
At sumasagupa sa pasismo
Sumasagupa sa pasismo ng censorship ng estado

https://www.facebook.com/TAPPM/videos/2341754228979/?app=fbl

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Axel Pinpin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your establishment to be the top-listed arts & entertainment?

Share